Sabado, Hulyo 2, 2011

Kaibigan?? Para saan?

Ano ba ang tunay na kaibigan? Ang tunay na kaibigan ay iyong tutulungan ka sa iyong oras ng paghihinagpis,yung hindi ka itatake advantage bilang isang tao, at yung alam kung paano ka nila sisirain pero hinding-hindi nila gagawin. Iyon naman talaga ang totoong kaibigan di' ba? Pero sa ating mundo ngayon, sadyang napakahirap na ngang makakita ng totoong kaibigan. Minsan nakaharap sau ng nakangiti ngunit pag nakatalikod ka'y agad kang sisirain. Mga kamalian mo ay palaging mapupuna sapagkat pakiramdam nila'y perpekto sila! Sadyang napakasalimuot nga naman, di' ba? Minsan pa nga'y natutuwa silang sisirain ka sapagkat pakiramdam nila'y sisikat sila. Grabe na pala ang kaibigan ngayon! Masira't masaktan ka ma'y wala silang paki-alam. Dapat ay matuto tayong mamili na totoong kaibigan. Iyong tipong nandyan hindi dahil may kailangan ngunit nandyan dahil gusto kang makita. Kaya kapag nararamdaman mong ika'y sinisiraan, wag kang matakot lisanin sila sapagkat ang tunay na kaibigan ay hinding-hindi ka sisirain at lalong hinding-hindi ka sasaktan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento